EHeadz Burger (Brocks Burger, Trece)



     Mahilig ka ba sa OPM? Mahilig ka ba sa burger? Dito sa Brocks Burger pwede kang kumain ng burger habang nakiki-jam sa OPM na kanta. Pati mga burger nila nakapangalan sa mga OPM na banda, tulad nitong EHeadz. Cheeseburger with bacon sa halagang 130 pesos. Medyo mahal kung iisipin pero sulit naman dahil malaki ang serving. Magkakasya sa dalawang tao ang isa. Pero kung gutom ka, ang payo ko sayo 'wag mo i-share, kase sobrang sarap. 'Di siya tulad ng ibang burger sa mga mini resto, lasang high class 'to. Halos kalasa ng burger sa SnR at kasing laki na rin nito. Mabilis din ang service at enjoy kainin lalo na 'pag kasama mo ang barkada. 
-calamarie








Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Nachos (Hugot Cafe, Pampanga)

Manolia's Lechon

Brownies Unlimited (SM Bacoor)