Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2017

Nachos (Hugot Cafe, Pampanga)

Imahe
     May pinagdadaanan ka ba? Ikaw ba ay malungkot, broken o single? Ikain mo lang yan! Dito sa "Hugot Cafe" siguradong mabubusog ka, hindi lamang sa pagkain pati na rin sa hugot. Ka-aliw aliw din ang "Hugot Wall" kung saan pwede kang sumulat at mag selfie. Sa presyong swak sa bulsa at puso sa halagang 80 pesos abot kaya na ang Nachos para sa mga babae't lalaking naechos. -SODU

Brownies Unlimited (SM Bacoor)

Imahe
      Matatamis ba ang hanap mo? Kung oo, subukan na ang brownies na mabibili sa mga kalapit na mall. siguradong mapipilitan kang bumili pag nakita mo ito dahil sa katakam-takam na toppings. Sa halagang P20-250 matitikman na ang ibat-ibang klase ng brownies na hindi mo pagsisisihan. Masasabi ko na ito ang pinakamasarap at pinaka-'affordable' na brownies na aking nasubukan. Bitesize man, sulit pa rin ang ibinayad dahil sa ibat ibang masasarap na toppings na iyong matitikman. Kaya naman yayain na ang tropa at sabay sabay lasahan ang brownies na hindi ka iiwan  - cyber6

Coffe Jelly Frappucino (Starbucks, SM Rosario)

Imahe
      Ito ay isang sikat na coffee shop na matatagpuan sa iba't ibang mall. Di naman sa paborito pero isa sa mga aking gusto ay ang kape. "Coffe Jelly" ang isa sa mga natikman kong kape sa Starbucks, ito ang aking pinakanagustuhan dahil ito ay purong kape na may gelatin at whipped cream sa ibabaw na nakakapagdagdag lasa sa kape.  -den👸

Cheese Pizza (Sbarro, Dasmariñas)

Imahe
     Nais mobang makatikim ng masarap na pizza ? Hindi lang yan may kasama pang inumin . Mejo may kamahalan ang halaga .ngunit Siguradong kapag natikman mo hindi ka magsisisi at manghihinayang sa iyong ibabayad dahil sa Sbarro's pizza hindi lang malaki , masarap , cheesy pa ang pizza. At pwedeng ipanginstagram dahil sa nakakatakam na itsura talaga naman kaya itry na Sbarro's pizza sa maraming mall meron na .  -pat gwapo❤️

Artherapy (Naic, Cavite)

Imahe
     Nais mo bang makatikim ng Milkshake na talagang tatatak sayong isip at panlasa? Dito sa Artherapy mabubusog ka na mamamangha ka pa sa iba't ibang itsura at ka-aliw aliw sa mata na mga inumin dito na sinasabi nga ng iba na "Instagram Worthy". Sa presyong abot kaya at sulit sa panlasa maari mo ng dalhin ang iyong kapamilya, kabarkada o kasintahan man yan.                                                                                                                                              -kangpeach

EHeadz Burger (Brocks Burger, Trece)

Imahe
     Mahilig ka ba sa OPM? Mahilig ka ba sa burger? Dito sa Brocks Burger pwede kang kumain ng burger habang nakiki-jam sa OPM na kanta. Pati mga burger nila nakapangalan sa mga OPM na banda, tulad nitong EHeadz. Cheeseburger with bacon sa halagang 130 pesos. Medyo mahal kung iisipin pero sulit naman dahil malaki ang serving. Magkakasya sa dalawang tao ang isa. Pero kung gutom ka, ang payo ko sayo 'wag mo i-share, kase sobrang sarap. 'Di siya tulad ng ibang burger sa mga mini resto, lasang high class 'to. Halos kalasa ng burger sa SnR at kasing laki na rin nito. Mabilis din ang service at enjoy kainin lalo na 'pag kasama mo ang barkada.  -calamarie